Mga Mananakop Noong Unang Panahon
MGA KAGANAPAN NOON
(http://www.etravelpilipinas.com/about_philippines/philippine_culture.htm)
Isinalin ni: Devine Angeo

Hindi pa man dumarating ang mga dayuhan, tayong mga Pilipino ay may sarili ng pamamaraan ng pamumuhay. Ang mga Pilipino ay sadyang may angking kakayahan upang makalikha ng mga bagay na angkop sa sitwasyon – lalong lalo na upang mabuhay. Makikita itong sibilisasyong itinatag ng ating mga ninuno sa klase ng buhay, arkitektura, pananamit, edukasyon, mga kagamitan, tradisyon at iba pa. Ngunit, ang pinakapinahahalagahan nating mga Pilipino ay ang edukasyon. Masasabing mayaman ang ating kultura hindi pa man tayo nasasakop ng mga dayuhan.
- Tayong mga Pilipino ay tunay na magagaling makitungo sa ating kapwa. Isa iyan sa espesyal na katangiang ating tinataglay. Makikita ito sa paraan pa lamang kung paano tayo tumanggap ng bisita. Sa abot ng ating makakaya, sinusubukan nating aliwin ang ating mga bisita sa pamamagitan ng pagbibigay ng makakain, pakikipagkwentuhan at marami pang iba. Ang mga Pilipino ay kilala rin sa pagiging malinis. Araw-araw na naliligo sa ilog ang karamihan sa ating mga ninuno. Nililinis nila ang kanilang mga ngipin gamit ang mga prutas. Gumagamit na rin sila ng pabango at ng gugo para sa buhok noon. Pati ang kanilang mga tahanan ay maayos at malinis. Ang mga Pilipino noon ay mapagkakatiwalaan at tapat. Marunong silang tuparin ang kanilang mga pangako.
PANAHON NG KASTILA
Nang dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng mga pagbabago sa relihiyon. Ang kultura ng Kastila ay mas ikinasaya at tinanggap ng mga pamilyang Filipino-Spanish at ng mga mayayamang pamilyang ng ating bansa. Ito ang panahon kung saan nahati ang mga Pilipino sa tatlong antas; Principalia, Ilustrados at Masa. Maraming Pilipino ang nagkaroon ng pangalan sa larangan ng musika, sining, literatura at siyensya. Ang bamboo organ ni Anacleto Cerra na matatagpuan sa simbahan sa Las Pinas ay naging tanyag sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang mga kababaihan din ay nagkaroon ng tungkulin sa lipunan at nirerespeto ng mga kalalakihan.
Sa kabila ng paghihirap na naranasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Kastila, ang ating kultura ay umunlad lalo na sa Kamaynilaan. Naging mayaman ang ating literatura sa mga alamat, epiko, palaisipan, kanta at iba pa. Ilan sa mga kilalang epiko ay ang Darangan, Hudhud at Alim, Biag-ni-Lam-Ang, at Ibalon. Sa musika naman, ,maririnig pa rin natin ang Manang Biday, Pamulinawen, Sitsiritsit, Doon Po Sa Amin, Atin Ku Pung Singsing at Ako Kini si Anggi.

PANAHON NG AMERIKANO
Ang mga impluwensya ng Amerikano sa atin ay makikita pa rin hanggan ngayon sa edukasyon, literatura, sining, arkitektura, siyensya, industiya, bahay, pagkain, damit, relihiyon, musika, at sayaw. Sineryoso ng mga Pilipino ang edukasyon noon kaya nagbunga ito na higit pang mataas na antas ng mga Pilipino sa lipunan. Natuto ang mga Pilipino bumasa, magsulat, at kahit magsalita sa wikang Ingles sa loob ng maikling panahon lamang. Ito ang panahon kung saan tinanggap ng mga Pilipino ang Protestant na relihiyon. Ang mga kababaihan noong panahon ng mga Amerikano ay maaaring makilahok sa mga aktibidad na pampulitiko at kahit ang magtrabaho sa gobyerno. Nabigyan na rin ng pagkakataon ang mga kababaihan na magtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga bagay na may kinalaman sa kalusugan at kalinisan ay umunlad. Gayundin ang transportasyon at komunikasyon sa loob ng bansa. Ang impluwensya ng mga Amerikano sa atin ay nagbunga ng mabubuti at masasamang aspeto sa ating bansa. Maraming daan at tulay ang naisagawa. Makabagong teknolohiya ay naipakilala sa ating bansa. Ang teknolohiyang ito ay nakatulong sa industriya at agrikultura ng Pilipinas. Lahat ng ito ay naisagawa para sa pangangailangan ng mga Amerikanong naglagi ditto sa Pilipinas; lalo na ang mga may negosyo dito. Maaaring ang mga Pilipino noon ay nagalak sa mga naibigay sa atin ng Amerikano noon, ngunit, hindi ang mga Pilipino ang dahilan kung bakit naganap ang mga pagbabagong ito. Ang dahilan ng mga ito ay upang sakupin tayo at magamit ang mga Pilipino. Dahil dito, naapektuhan ng mga Amerikano ang paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino kagaya ng pagpili ng pagkain at pagtangkilik sa produkto ng mga Amerikano.
Kung ang mga Kastila ay ginamit ang relihiyon upang makuha ang loob ng mga sinaunang Pilipino, ang mga Amerikano naman ay ginamit ang edukasyon upang manipulahin ang kanilang kaisipan.

PANAHON NG HAPON
Ang pagdating ng mga Hapon sa ating bansa ay nagdulot ng takot at paghihirap sa maraming Pilipino. Ang uri ng pamumuhay ay talagang naapektuhan. Nawalan ang mga Pilipino ng kalayaan upang magsalita at ipahayag ang kanilang mga damdamin. Natigil ang pagpapaunlad sa larangan ng sining. Nagkaroon rin ng pagbabago sa sistema ng edukasyon ng panahon na ito.