Ang Pilipinas at Estados Unidos noon ay nagkaisa upang labanan ang mga Kastila. Bilang magkakampi, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga importanteng impormasyon at suporta mula sa military. Ngunit, ang Estados Unidos ay lumayo o dumistansya sa hangarin ng mga Pilipino at hindi naging maganda naging bunga nito matapos tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang Kalayaan ng Pilipinas.
Ang Digmaan Sa Pagitan ng Mga Pilipino at Amerikano
Nagsimula ang digmaan na ito nang patayin ng dalawa sa Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Sa kadahilanang kulang ang mga Pilipino sa sandata, natalo ang ating bansa sa nga naunang labanan. Ngunit tayo naman ay nagagi sa labanang gerilya. Ang Malolos, kung saan namamalagi ang pamahalaan ni Aguinaldo, ay nakuha ng mga Amerikano. Nang makatakas si Aguinaldo kasama ang kanyang pamahalaan, namalagi sila sa San Isidro, Nueva Ecija. Ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, si Antonio Luna, ay napatay kung kaya’t nagtuloy-tuloy na ang pagkatalo ng mga sundalo sa labanan. Marami ang naghirap na sibilyan dahil sa pangyayaring ito. Si Aguinaldo noon ay nadakip at dito naganap ang kanyang panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos kasabay ng pagsuko ng kanyang mga kasama na naging hudyat ng katapusan ng digmaan. Subalit, ang labanan ay nagpatuloy pa rin sa ilang bahagi ng Pilipinas, partikular ay sa Mindanao.

KOLONYALISMO
Ang pamahalaang sibil ay naitatag noong 1901 sa ilalim ni William Taft na siyang unang Amrikanong gobernador-heneral sa Pilipinas at pumalit kay Arthur MacArthur, Jr. Ang naaatasang gobernador-heneral ang siya ring nagiging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas. Ang Komisyon ng Pilipinas ay isang kapisanan na naitaguyod ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas ngunit limitadong kapangyarihan upang mamahala. Ang komisyong ng batas ay nagtayo ng sangay ng pamahalaan. Kasama rito ang istilong hudisyal, serbisyong sibil, at pamahalaang lokal. Naitatag ang Pambansang Pulisya upang pamahalaan ang mga natitira pang kilusang lumabas sa Amerikano, Hindi naglaon, ginampananan na rin ng komisyon ang responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.
Kagaya ng mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas, napalitan din ang mga administrasyon. Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, hindi pumayag ang mga Amerikano na ibigay ang karapatang mamahala sa mga Pilipino. Nang maging pangulo si Woodrow Wilson, isang panukala ang ipinagtibay na naging daan upang magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas. Naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan ang Batas Jones. Ipinangako ng batas na ito ang kalayaan ng Pilipinas at pagpapatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.